Ako ay
Pilipino pero paano ko nasasabi kung bakit gayon? Isang tanong na mahirap
masagot pero madaling sabihin. Sa kasaysayan ng ating lahi, tayo ay sinakop ng
iba’t ibang tao mula sa ibang lugar at dahil rito, ito na rin ang nagbigay ng
pagmemeron sa ating pagkapilipino. Ang pagsasakop o pagaangkin sa isang tao ay
puno ng paghihirap, pagiiyak, at unos. Sa paglipas ng panahon, ang emosyon ng
mga Pilipino ay gumawa ng mga Bathala upang mabigyan ng sagot ang iba’t ibang
tanong na bumabagabag sa kanyang araw-araw na pamumuhay at noong sinakop tayo
ng mga banyaga, ito ay lumikha ng isang Bathala 
na umayon sa ating mga nararamdaman at ito ang nagbigay ng ating
pagkapilipino: Tayong mga Pilipino ay puno ng Drama. 
            Ang mga Pilipino ay madrama at ito
ay nakikita sa ating araw-araw na pamumuhay. Ito ay nasasalamin kung paano tayo
nakikipagkapwa-tao sa ating kapwa Pilipino na sadyang nakikisakay rin sa Drama.
Ang Konsepto ng Respeto nating mga Pilipino ay puno ng drama na nasasalamin sa
pagmamano at sadyang galit pag hindi ito nasusunod, isang emosyonal na
pagbibigay kahulugan kung ano ang buhay-respeto. Nang tayo ay sakupin ng mga
banyaga, sinabi ng mga Pilipino na wala silang respeto at ito ay nagbigay ng
adhikain sa emosyon ng mga Pilipino na maghimagsikan. Sa paglipas ng panahon
tungo sa kasalukuyan, makikita sa Pilipino ang pagkahilig sa mga Teleserye na
puno ng Drama, mga pagsasalamin kung ano ang nararamdaman ng mga Pilipino sa
kasalukuyan: Paghihirap, Pagsasakit, at Kawalan. 
            Dahil dito, lumikha ang mga Pilipino
ng salamin kung saan makikita niya ang kanyang sarili kung ano siya at ang
salamin na ito ay ang Panginoong Diyos na kinikilalang tagapaglikha at
tagapagbigay. Itong salamin na ito ay sanhi ng drama ng mga Pilipino na kanyang
pinagdaanan sa mga araw at taon na tayo ay sinkop ng ibat ibang banyaga at
itong sadyang pagsakop at ating pakikipaglaban ang nagbigay n gating
pagkapilipino at kung sino ang Pilipino: Ang Pilipino ay madrama at maka-Diyos.
            Ngunit datapwat dapat nga bang ito
ang basehan ng ating pagkapilipino? Sadyang mababaw kung ating iisipin sa
Kritikal na pamamaraan kung ang Pilipino ay isang tao na pinapaandar lamang ng
kanyang emosyon at hindi ng kanyang rasyonal na pag-iisip ng mga bagay-bagay.
Masasabi nga bang mga bobo ang mga Pilipino dahil dito? Pwedeng ganun nga sa
gayon pero hindi ba tayo gagawa ng hakbang upang maging mga tao na rasyonal at
sa parehas na oras ay Pilipino? Gagawa tayo ng hakbang na dapat ang Pilipino ay
hindi lamang nakatuon sa kanyang pananampalataya at drama ngunit dapat ito rin
ay nakatuon sa kanyang rasyonal na pagmemeron at para sa akin ito dapat ang
pagkapilipino. Ang buhay ay hindi lang drama ngunit isa ring pagsusulit na
kailangan ng masusing pag-iisip na Kritikal at prangka. Ang mga paksa tungkol
sa pulitika, pamilya, seks, paghihirap at pakikipagkapwa ay hindi dapat dalhin
at solusyunan ng mga aspeto na gawa lamang ng emosyon, ito dapat ay solusyunan
ng pag-iisip at pagsasagawa ng konkretong mga pamamaraan na magbibigay ng ating
tunay na pagkapilipino. Tayo ay sadyang napagiiwanan na ng mga banyaga at tayo
ay laging nagrereklamo, pero naisip ba natin na dahil lang sa ating pagiging
Juan itong mga bagay na nangyayaring labag sa ating kalooban? Mga Pilipino,
madrama at nakaka-awa, mag-isip naman tayo at maging mga maka-bathala. 
 
No comments:
Post a Comment